Chapter 32: May kinalaman Ziel's POV

1081 Words

"Bakit mo ako inindiyan kahapon? Ang tagal kong naghihintay sa iyo sa parking lot pero hindi mo ako sinipot?" malungkot na tanong ko kay Fionah kinabukasan nang magkita kami sa school. Hindi niya ako sinipot sa usapan namin at labis ko itong ikinalulungkot. Akala ko pa naman masosolo ko siya kagabi at magdamag kaming magkatabi sa pagtulog. Ngunit nabulilyaso ito at heto ako ngayon puyat at iniisip kung bakit hindi siya nagpakita sa akin. "Umabot ako ng alas-siyete sa kakahintay sa iyo pero hindi ka dumating. Sana man lang nagsabi ka na hindi ka makakarating o kaya naman ay sinabi mo na mas pinili mo ang lalaking 'yon. Naiintindihan ko naman kung sakali kung mas pinili mong samahan mo siya." Banas na hinaplos ko ang aking buhok at dumistansya sa kanya. Narito kami sa favorite spot niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD