"Fùck you!" Isang malutong na mura ang pinakawalan ko kasabay ng pagsapak ko sa isa kong tauhan na siyang nagmamanman kina Fionah at Ziel saan man sila magpunta. "Mga putang ina kayo! Mga wala kayong silbi!" Sinapak ko naman ang isa pa na kasama niyang sumusunod kina Fionah at Ziel para manmanan sila kung saan man sila pupunta. Ilang buwan ko na silang pinapasundan lalo na kapag nag-iisa si Fionah. Ang dukutin siya ang isa sa plano ko ngunit hindi makalapit ang mga tauhan ko sa kaniya. Dahil bukod sa binabakuran siya ni Ziel, marami ring mga bantay sa kaniyang paligid na labis na nagpapainit ng ulo ko. Fuck that s**t! f**k that Hanziel Kim! I am so desperate to have her. Pero hindi ako makalapit sa kaniya at labis itong kinaiinit ng ulo ko. Tarantado talaga si Hanziel! Nagawa na naman