SOFFY POV. Hacienda Montemayor… “Daddy Mommy, nasaan po tayo?” “Anak narito na tayo sa hacienda.” “Wow! Bakit po hindi mo ako ginising hindi ko tuloy nakita ang kalawakan habang nasa chopper tayo.” “Sorry anak, ayaw ng daddy mo na masira ang iyong tulog kaya hindi ka na namin ginising. Isa pa walang oras dahil pagkagaling namin sa ospital ay nasa mansion na ang mga uncle mo at sinundo na tayo. Kaya ikaw at si Princess ay binuhat na lang nila paakyat ng chopper. “ “Si Queeny po mommy?” “Naroon sa labas at tuturuan raw ng uncle Hector mo na sumakay ng kabayo.” “Ako rin po, maaari ba mommy ko?” “Sure anak, hintayin mo ang iyong addy at siya ang magtuturo sa’yo.” “Salamat po mommy ko, daddy sumunod ka na po sa labas ah.” At agad nang tumakbo ang aking anak palabas ng malaking pintua

