KENN POV. “Araw-araw ka na lang naglalasing Kennedy, kung hindi mo titigilan ang pag-inom ng alak ay baka diyan ka madisgrasya huh!” “Wala kang pakialam! Dahil na naman sa’yo kaya hiniwalayan ako ng asawa ko, wala ka talagang alam gawin kundi sirain ang buhay ko.” Tinalikuran ko siya at umakyat ako sa rooftop ng building, mas mabuti pang mapag-isa na lang muna dahil baka magkasakitan pa kami ng kakambal ko. Palakad lakad ako doon habang nakatanaw sa mailaw na siyudad, tama naman ang kapatid ko dahil magmula nang hiwalayan ako ng aking asawa ay nagsimula na rin ang araw-araw kong pag-inom ng alak. Kundi pa ako nakarinig ng ingay mula sa aking cellphone ay hindi ko na namalayan ang oras, halos madaling araw na pala “Work with me, kung gusto mong tuluyan ka ng maging malaya at nang makabal

