SOFFY POV. Ilang araw na ang lumipas mag mula ng bumalik ang aking asawa ngunit hindi pa rin kami nag-uusap. “Kids, let’s eat masarap ang niluto ko kaya tawagin ‘nyo na ang mommy at sabay sabay na tayong kakain." Napataas ang aking kilay sa narinig, pati ang mga bata ay ginagamit niya para lang mapapayag akong sumabay sa kaniya sa pagkain. Kaya naman nang lumapit sa akin si Snow at hilahin ang aking kamay ay napatayo na lang ako. “Mommy, halika na po at subuan mo po ako.” Paglalambing ng pangalawa sa anak kong triplets. Pagdating namin sa dining table ay nakapwesto na silang lahat nasa pinaka dulo si Kennedy at sa tabi nito ay bakanteng upuan para sa akin. Sa tapat ko ay si Princess Martha Sophia katabi nito si Queeny, sa kabilang side ay ang panganay kong si Ken Ken at ang tiplets.

