SOFFY POV. “Malakas ang loob mong makipagpatayan nang ganyan ang kalagayan mo huh!” “Wala kang pakialam, nasaan ang anak ko?” “So, ikaw pala ang ina ng batang ‘yon mabuti naman pala at kusa kang pumasok sa pugad namin kaya nga lang hindi ka na makakalabas pa rito.” “Huwag mong ibahin ang usapan nasaan ang aking anak?” “Ayon sa kulungan gusto mong puntahan? Go ahead sweetheart, upang magkasama na kayo nang iyong anak.” “Nilingon ko ang itinuro ng lalaki ngunit wala akong nakita kasabay ng malakas na sipa ay muntik akong tamaan sa tiyan. Nilalansi lang ako ng tarantadong ito at sa palagay ko ay totoo ang sinabi ni Desiree na sila Ate Maggie ang bahala kay Ken Ken. Mabilis na gumana ang aking isipan sabay yuko nang makita ko sa gilid ng aking mata ang suntok nito at sinabayan ko ng mala

