KENN POV. Nakatanggap ako ng e-mail galing sa hindi ko kilalang tao, gusto kong balewalain ang nakasulat doon ngunit hindi ako mapalagay. Kinakabahan din ako sa hindi malamang dahil, kaya nagpasya akong tawagan ang kapatid ko. “Mabuti naman at nag return call ka, sa dami ng tawag ko sa’yo ay hindi ka man lang sumasagot.” “Ano ba ang totoo kuya, sabihin mo sa akin ikaw ba ang nagpadala ng e-mail na ‘yon?” “Anong sinasabi mo at bakit ko gagawin ‘yon ay maaari naman akong mag send ng messages sa numero mo.” “Kung gano’n kanino galing ang e-mail na nagsasabing nasa resort ko si Hector at Queeny, kaya magpunta ka rito at hinihintay ka nila.” “Kailan mo natanggap ‘yan?” “Kahapon pa ito kaya lang ngayon ko lang nabuksan.” “Give me the address, I mean may nakalagay bang lugar kung saan ang

