SOFFY POV. “Kenn, papayag ka ba na pumunta tayo ng Hacienda Montemayor, ang sabi ni Daddy ay kailangan raw naroon tayong lahat dahil gaganapin ang family reunion. Alam kong hindi kayo magkasundo ng mga kapatid ko kaya lang baka magtampo naman ang parents ko at ibang kamag-anak kung hindi tayo pupunta. Isa pa matagal na rin akong hindi nakakadaw doon, kaya napatango na lang ako sa kanila.” Hindi ako sinagot ni Kenn, ngunit naramdaman kong yumakap siya sa akin. “Kung ayaw mo ay hindi na rin kami pupunta ng mga bata,” malungkot kong pahayag sa aking asawa. “Huwag ka nang malungkot asawa ko at pupunta tayo, kailan ba ‘yon?” lihim akong napangiti sa aking narinig. “Thank you, pero sa susunod na linggo pa naman Kenn.” “You’re welcome, babe Samantha.” malapad niyang ngiti sa akin. “By the w

