"Uy! Kumusta ang Palawan?" Si Justin ang sumundo sa amin, siya rin kasi ang nag-uwi ng sasakyan ni Gino. Kasalukuyan kami ngayon na nasa daan patungo sa bahay nila Justin. Iuuwi namin si Justin at susunduin na rin si Xander dahil nandoon ito. Walang sumagot sa aming dalawa. Ipinikit ko ang dalawang mata at niyakap ang bag na dala. Damn, I'm sleepy. Nasa likod ako at silang dalawa ang nasa harap. Justin being the driver and Gino on the passenger seat. "Take a nap. Gigisingin na lang kita kapag nandoon na tayo," ani Gino. Dumilat ako sandali at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkagulat sa mukha ni Justin. And his lips slowly formed a smirk. Hindi ko na lang pinansin iyon dahil sa pagod. Alas-otso nang umalis kami sa Palawan. Hindi na namin nakita pa si Cali at nagpaalam na lang kay