"Nagkabalikan na kayo? Oh my gosh! OMG talaga! Paano? Magkwento ka daliii!!" Napatakip ako ng tainga sa sobrang ingay ni Alyanna. Talagang dumayo pa sila ng pinsan niya sa bahay kahit pagabi na. Ang daldal naman kasi ni Conrad, tuwang-tuwa pa na ikinukwento ang nangyari kanina sa Mall. Wala tuloy akong choice kung hindi sabihin na nagkaayos na kami ni Gino. S'yempre hindi ko sinabi in detail lahat, ano! "Kumalma ka nga, 'wag kang OA," sita ni Conrad sa pinsan niya. Ako naman ay masama ang tingin kay Con. Aba! Kung makapagkwento siya ay parang sa mga drama sa TV lang ang nangyari. And the jerk wants to take the credit for it. Siya raw ang dahilan kaya kami nagkabalikan. Well, he has a point. Pero hindi ko iyon aaminin sa kanya. "So, ano na nga?" Kasalukuyan kaming nag-uusap-usap nan