"Dad may luma ka bang newspaper diyan?" Ibinaba niya ang hawak na cellphone at tumingin sa akin. Nakaupo siya ngayon sa sala, tabi sila ni mommy sa sofa. Mom's typing something on her laptop and dad's on his phone. "Bakit? Aanhin mo?" I shrugged. Umupo ako sa solo na sofa na naroon. "Kailangan i-pass. Mga three, four years ago, gano'n. Meron?" "May mga dyaryo pa sa drawer ko. Tingnan mo sa kwarto. Hindi ko lang alam kung anong year na-published mga yun." "Sige, dad, check ko na lang." Iniwan ko silang dalawa roon at nagpunta sa kwarto nila daddy. Their room is huge, probably three times larger than mine. I love their bed specially. Dati, noong nandito pa si ate, ay sumisingit kami sa kanila sa pagtulog. Their bed is enormously huge, kasyang-kasya kami. Pero of course medyo masiki