"I'll do it," singit ni Gino at kinuha ang hawak kong pamunas. "Salubungin mo na lang ang mga bisita." Ibinigay ko naman sa kanya ang pamunas saka tiningnan ang repleksyon sa salamin. Nang masiguro na ayos naman ang itsura ko ay sinalubong ko ang mga pumapasok. Hapon na at kaninang umaga nagpunta ang mga kakilala namin. Ang mga bisita ngayon ay mga napadaan lang o kaya ay mga nakabasa sa promotion namin sa online. "Hi, ate Cheska!" "Hello po, ate." Magiliw kong in-entertain ang grupo ng mga highschool students na siyang bagong pasok sa shop. Ayon sa kanila ay fina-follow raw nila ako sa i********:. "Ate, p'wede po kayang magpa-picture na dalawa kayo ni Kuya Gino?" Halatang naiilang sila at natatakot lumapit kay Gino. Sino ba namang hindi, eh, ang sungit kaya ng mukha no'n tapos seryo