Chapter 45 Were Done’ Days passed like a blur. Pilit kong nilimot yung interaksyon sa pagitan namin ni Claire. Naging okay naman kami ni Sebe. Bawat araw na nagdaan ay lalo lang siya naging sweet sa akin. My baby bump is now visible. Ramdam ko na gumagalaw ang baby sa loob ng aking tiyan. Kakaiba yung pakiramdam na ganito. Halos hindi pa matatak sa utak ko na magiging ina na ako. Ngayon hindi na ako mapili sa aking kinakain. Pero may mga cravings pa rin ako. Minsan dumadalaw sa akin si mommy Christina at daddy Raymundo. Sa mga nagdaan din na araw ay nagkakilala din si Mama at sila mommy Christina and daddy Raymundo. Wala akong masasabi. Hindi ko halos maisip na magiging ganito ka ayos ang laha

