"Coffee?" Isang tasa ng mainit na kape ang inabot ni Caleb kay Jada. "Thank you." Maagap naman niyang tinanggap iyon. "How do you feel? You took a two-hour nap – are you feeling less tipsy now?" Tumango si Jada. "Oo, kaya lang mabigat ang ulo ko," reklamo niya, sabay hawak sa kaniyang ulo. "It's wise to drink in moderation, ensuring a clear mind for a safe journey home. Kung hindi kami dumating saan kaya kayo aabutin ni Dahlia ngayon?" Biglang natigilan si Jada. "Oo nga pala si Dahlia! Nakalimutan natin siya, balikan natin, baka kung napaano na 'yon." Ipinatong niya ang hawak na tasa sa lamesa at tumayo ngunit agad namang hinawakan ni Caleb ang kamay niya at hinatak siya paupo. "Don't worry about your friend, she's in good hands. Steve, take care of her. Perhaps by now, she's alread