"Huh... Jada!" Mula sa pagkakayukyok sa kaniyang office table ay napa-angat ang ulo ni Dahlia. Saglit lang naman siyang nakaidlip kung bakit ba dinalaw siya sa panaginip ni Jada? Humihingi ito ng tulong sa kaniya habang tumatakbo, marumi ang kasuotan nito at duguan ang katawan. Kinilabutan siya sa kaniyang panaginip, nagtayuan ang balahibo niya sa katawan pati ang mga buhok niya sa anit ay parang bigla nalang nag-angatan. Hindi niya alam kung ano'ng klaseng panaginip iyon, maghapon tuloy siyang nawalan ng gana sa pagtatrabaho. Sinisi niya ang kaniyang sarili dahil sa pagtulog sa oras ng trabaho. Hindi niya rin kasi mapigilan ang antok, may tinapos kasi siyang blue print kagabi dahil deadline na nito at kailangan na niyang ipasa. Nang sumapit ang alas singko nang hapon ay hindi niya inaas