Nasa airport ang magkaibigang Dahlia at Heidee. Aalis sila ng bansa at pupunta ng Japan para magbakasyon ng ilang araw. Excited si Heidee dahil ito ang unang beses na makakapag-travel siya abroad. Habang naghihintay sila ng kanilang flight ay biglang napaawang ang bibig niya, may nakita siyang pamilyar na mukha. Kinalabit niya si Dahlia na noon ay abala sa kaniyang cellphone. "O bakit?" kunot noong tanong nito habang panay kalabit sa kaniya ni Heidee. "Si-si, Jada! Nakita ko si Jada!" nabibiglang sabi niya. Mas lalong nadagdagan ang pangungunot ng noo ni Dahlia. "Ayos ka lang ba? Alam mo namang matagal nang wala si Jada, paano mo siya makikita?" may pagtatakang sabi nito. Hindi naman natinag si Heidee pinangatawanan niya ang kaniyang sinabi dahil alam niyang sigurado siya sa kaniyang