Panay ang tingin ni Caleb sa passenger seat habang nagda-drive. Nagmamadali siyang marating ang ospital para maipatingin si Jada. Hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay sa tabi niya. Maya-maya ay napakislot siya ng bigla na lang siyang may narinig na umingit. Tinanggal niya ang tingin sa daan at ibinaling kay Jada. Nabuhayan ang loob niya ng makita niya itong unti-unting iminumulat ang mga mata. "Thank heavens, you're now conscious. Are you alright? How do you feel? Hold on, we're almost at the hospital," aniya kay Jada. Nabigla naman si Jada nang sa pagmulat ng kaniyang mga mata ay si Caleb ang kaniyang mabungaran. Inilibot niya ang mga mata sa paligid at napag-alaman niyang nasa loob siya ng kotse ng binata. Sigurado siyang sasakyan ito ni Caleb, dahil ito ang nagda-drive at nak