Kaharap ni Caleb ngayon ang inupahan niyang private investigator. Ipinakita nito sa kaniya ang mga nakalap nitong impormasyon tungkol sa pinatatrabaho niya rito. "Sir, katulad ng inutos mo, may binayaran akong tao para magsabi sa akin ng lahat ng nalalaman niya tungkol sa kaso ni Ms.Jada, ang in house interior designer ng ATS." "Napag-alaman ko na si Ms. Sabina Miller at ang may-ari ng JKL Furniture House na kinukuhanan ni Ms. Jada ng furniture para sa mga kliyente niya ay matalik na magkaibigan. Ang mismong kapatid ng may-ari ang nagsabi sa akin na nakita at narinig niya ang pag-uusap ni Ms. Sabina at ng kapatid niyang si Henry, at ang pagpaplano ng mga ito na i-setup si Ms. Jada. Walang katotohanan ang akusasyon laban kay Ms. Jada, ang lahat ay pakana ni Ms. Sabina. Kung ano ang intens