Matapos matahi ang sugat sa talampakan ni Jada, ang pinoproblema naman niya ngayon ay kung paano siya makakabalik sa kaniyang villa. Nahihiya na siya na istorbohin pa si Caleb, dahil baka may iba pa itong gagawin. Isa pa ay parang sobra na kung magpapabuhat na naman siya rito. "Ano pang hinihintay mo, sumakay ka na sa likod ko." "Huh! Bakit?" tanong niya, tumalikod ng upo si Caleb para muli ay pasakayin siya sa likod nito. "I will going to bring you back to your room," tugon ng binata. "Naku! Hindi na, ako nalang mag-isa ang babalik sa villa ko, kaya ko namang maglakad nang mag-isa." Pumuhit paharap sa kaniya si Caleb. Hindi kumbinsido ang mga tingin nito sa kaniya. "I doubt it that you can walk back to your room with that condition. Why don't you just accept my offer?" Hindi na