Ilang araw nang nagmamanman si Jada sa bahay nila ni Jacob, nagbabakasakali siya na lumabas ang anak na si Justin at makita niya ito. Hindi siya napapagod sa paghihintay. Nasasabik na siyang masilayan ang kaniyang anak. Alam niyang wala si Jacob at Sabina ng mga oras na iyon, sinasamantala niya ang pagakakataon, nagbabakasakali siyang maisipan ng tagapag alaga ni Justin na paglaruin sa labas ang bata. Matagal na siyang nakaupo sa gilid ng puno, napaigtad siya nang marinig ang pagbukas ng gate. Agad siyang tumayo para sumilip. Lumakas ang kabog ng dibdib niya, nakita niya si Riza ang tagapag-alaga ni Justin. Buhat nito ang kaniyang anak, nang makalalbas ito ng gate ay ibinaba ang bata at hinayaan na maglakad-lakad. Naiyak siya sa labis na tuwa, matagal na panahon na niyang hindi nakikita