GALIT na kinuyom ni Mask ang kamao habang naghihintay sila sa labas ng operating room ng hospital. Oo sila, kasama niyang naghihintay ang gago niyang kapatid na si Killoran at si Caliber. Kanina pa siya nakakaramdam ng ganito habang pinapanood niya kanina si Tori. Nasisiguro niya na hindi ito galit kay Tori kundi galit para sa sarili niya. Wala siyang pinagsisisihan na pinakawalan na niya ito, actually he did him a good favor. Why? Hindi na ito masasaktan pa at hindi na niya ito masasaktan pa. Why he bring him in the shelter? He wanted him to be strong, he wanted him to learn how to fight for his self. Alam niyang sa maling paraan, pero hanggang hindi ito nasasaktan ay hindi ito matututo. Pero nang makita niya itong duguan kanina at walang malay? Nakaramdam siya ng takot na hindi niya