PAGKABABA ni Tori sa sasakyan ay hindi niya mapigilang ilibot ang mga mata sa paligid ng lumang pabrika. Hindi kapanipaniwala na ito ang base ng Iron Wolf. Marami ang bantay sa paligid at alam niyang hindi ito mga basta-bastang Epsilon. "X." tawag sa kanya ni Killoran na nauna na palang naglakad kaya agad siyang sumunod dito kahit paika-ika siya. Agad silang pinalibutan ng mga body guard ni Killoran habang papasok sila sa lubang building na 'yun. Pagkapasok nila sa loob ay agad silang sinalubong ng kilalang lalaki. Si beta Jelal. Bahagya itong natigilan pagkakita sa kanya. "Tori?" tawag nito sa pangalan niya. Pero imbis na hintuan niya ito para makipag-usap ay nakasunod lang siya sa likod ni Killoran. Umakyat sila sa ikalawang palapag pagkuway ay pumasok sa isang kwarto. Mula sa labas