Three

1259 Words
NAALIMPUNGATAN si Tori ng maramdaman niya ang pag-uga ng katawan. Marahan siyang nagmulat. Ang bumungan sa kanya ang maaliwalas na paligid. "Nagising ba kita?" Agad siyang bumaling sa kanyang katabi. Si Celeb ang nagmamaneho ng sasakyan. Muli siyang bumaling sa labas ng bintana. Hindi na pamilyar ang lugar na tinatahak nila ngayon. "S-saan tayo pupunta?" "Throwing you away." mahina nitong sabi. "Wala ka ng silbi sa kanya kaya tinatapon na na niya." dagdag nito na napatiim ang bagang. Nangiwi siya ng kumirot ang mga sugat niya. Marahan niyang dinama ang mukha na ngayon ay may nababalot na benda. Pero higit na masakit ang naninikip niyang dibdib ngayon. Ngayong malaya na siya mula sa panlulupit ni Mask sa kanya pakiramdam niya wala na siyang dahilan para magpatuloy pa sa buhay. Pero bakit? Hindi ba ito naman ang gusto niya ang maging malaya mula kay Mask? Pero bakit pakiramdam niya parang may kulang sa kanya? Bakit pakiramdam niya kasabay ng pagbawi ng marka nito sa kanya ay ang pagkawala ng isa sa bahagi ng pagkatao niya? Tama pa ba itong nararamdaman niya? "Sana tama na itong landas na pinili mo, Torichio." basag ni Celeb sa katahimikan. Celeb is not his close friend, but he felt his sincerity towards him. Nakikita din niya sa mga mata nito ang lubos na pag-aalala. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Pakiramdam niya wala na siyang ginawang tama sa buong buhay niya. "S-saan mo ba ako itatapon?" pilit niyang tanong dahil sa tuwing igagalaw niya ang bibig ay kumikirot ang buo niyang mukha. "Sa Mavides." Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang paggalaw ng panga nito at ang pagkuyom ng kamao nito. Na-curious uloy siya kung anong klaseng lugar ang Malvides. "Can I ask you something personal?" maya'y tanong nito. "Yeah." "Umh... did Alpha... use a protection everytime he... he..." "f**k me?" tuloy niya sa hindi nito masabi. Saglit siya nitong nilingon bago muling itinuon ang tingin sa daan. "Yeah." "No," mabilis niyang sagot. "and I never drink my suppressant ever since he marked me." pagbibigay alam niya. Alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Bigla itong napalingon sa kanya. "What?! Then, there's a possibility that you get preg—" "There's no possibility." putol niya rito. "Mask made me drink the plant called Aspidosperma pyrifolium. Isa iyong halaman na kayang sirain ang kakayahan ng isang omega na mag-anak, kaya imposible 'yang iniisip mo." aniya na pumiyok sa huling sinabi. Masakit para sa kanya na wala na siyang kakayahang magdalang tao. Isa iyon sa inalis sa kanya ni Mask na lubos din niyang dinamdam. Narinig niya ang mahinang pagmura ni Celeb. Kahit malaki ang takot at paggalang nito kay Mask. "Natatakot ako para sa iyo, Tori." Anas nito. "Gusto kong tulungan ka, pero hindi ko pwedeng suwain si Alpha." Mapait siyang ngumiti. "Hindi mo kailangang idamay ang sarili mo sa'kin, may pamilya kang kailangang pritektahan." "P-pero..." "Kung ano man ang mangyari sakin ngayon, siguro 'yun ang kapalaran ko." Ramdam niyang may gusto pa itong sabihin, pero pinili na lang nitong manahimik. Dalawang oras pa ang tinagal ng biyahe bago nito hininto ang sasakyan sa isang kalawanging taranghan. Bumukas iyon at muling pinaandar ni Celeb ng sasakyan at ilang sandali pa ay muling huminto ng sasakyan sa tapat ng isang lumang gusali. No, hindi ito basta gusali, isang abandonadong gusali. Tiningala niya ang karatulang nasa tuktok. Shelter... Basa niya. Shelter? Sa isang shelter siya ipinatapon ni Mask? "Torichiro." mahinang tawag ni Celeb sa kanya. Nilingon niya ito. Hindi nakatakas sa paningin niya ang awa sa mga mata nito, pero higit na nangingibabaw ang takot dito. "Hindi ko alam kung ano ang magiging kapalaran mo rito, pero gawin mo ang lahat para mabuhay ka. Tapangan mo ang loob mo. Magpalakas ka, at huwag magpapatalo." Nagsalubong ang mga kilay niya. "A-anong ibig mong sabihin?" pero hindi ito agad na nagsalita. "Celeb..." Nagtiim ang bagang nito. "Ang lugar na ito ay isang impiyerno para sa mga lobo. Dito tinatapon ang mga bagay na pinagsawaan na ng isang Alpha o ng isang aristocrat. Dito kung saan ang isang paa mo ay nakabaon na sa lupa. Dito kung saan wala kang ibang gagawin kundi ipaglaban ang buhay mo." "A-ano ba ang ibig mong sabihin, Celeb?" Hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng takot sa mga sinasabi ni Celeb sa kanya, na para bang sa pagtungtong niya sa lugar na ito nagkaroon agad ng taning ang buhay niya. "Isa ka na ngayon pag-mamay-ari ng underground fight, kung tawagin ay art. kung saan ang mga art ay maglalaban-laban para sa buhay nila. Matira ang matibay." Nahigit niya ang hininga sa impormasyong sinabi nito ngayon sa kanya. Umiwas siya ng tingin dito at mahigpit na napakapit sa tapat ng puso niya. Bakit ginagawa ni Mask sa kanya ang ganito? Ang sakit-sakit. Pinigilan niyang maiyak dahil wala din namang mababago kung iiyak siya. Kailangan niyang tanggapin na ito na ang kapalaran niya. Pinilit niyang ngumiti nang mag-angat siya ng tingin dito. "Ihatid mo na ako sa loob, Celeb." mabilis siya nitong pinigilan sa braso nang akmang lalabas na siya. "Celeb." "Galingan mo. Gawin mo ang lahat para may Alphang magkainteres sa iyo at sa ganoong paraan makakaalis ka sa impiyernong lugar na ito. Ipangako mo saking mabubuhay ka at babangon sa miserableng buhay na binigay sa iyo ni Alpha. Mangako ka, Tori." mahaba at puno ng sinsiridad nitong sabi. Marahan siyang tumango. "Susubukan ko." "Gawin mo." mariin nitong sabi. Mangako ka." Doon na tumulo ang mga luha niya. "Celeb." "Mangako ka, Tori." Marahan siyang muling tumango. "P-pangako." Mapait itong ngumiti pagkuway ay ginulo nito ang buhok niya. "Ihahatid na kita sa loob." bumaba ito sa sasakyan at lumipat sa gawi niya para pagbuksan ng pinto. Inalalayan siya nitong bumaba hanggang sa pagpasok sa gusali. Pagkapasok nila ay agad silang sinalubong ng masansang amoy na pinaghalong dugo at kung ano pa mang amoy na iyon. Madilim at malamig ang paligid niyon at wala siyang makitang ibang tao sa paligid. Ang bagahi ng gusali ay may malalaking bitak-bitak na tila kayang gibain ng isang malakas na bagyo. Huminto si Celeb sa tapat ng isang babasaging bintana. Kumatok ito doon at agad iyong bumukas. "Anong kailangan mo?" masungit na tanong ng isang lalaki. "Ipinapunta ako dito ni Alpha Mask para dahil siya." sabi ni Celeb at tinuro siya. Inilabas nito ang ulo mula sa bukas na bintana para tingnan siya. "Siya na ba 'yun?" "Oo." mabilis na tugon ni Celeb. Ipinasok na ng lalaki ang ulo nito at may pinindot itong buzzer. Hindi nagtagal ay bumukas ng bakal na pinto sa kanyang kaliwa at lumabas doon ang tatlong lalaking may malalaking pangangatawan. Napaatras siya sa takot dahil talaga namang nakakatakot ang kanilang mga itsura na puno ng pilat ang kanilang mga mukha. Nanlaki ang mga mata niya nang may inilabas ang isang lalaki na electric shock. "Sandali, sasama siya ng mahinahon kaya hindi mo na siya kailangang gaitan niyan." sabi ni Celeb. "Tumabi ka dyan!" malakas na hinawi ng lalaki si Celeb. "Celeb—uurh!" malaks siyang dumaing nang idikit ng lalaki ang bagay na 'yun sa kanyang tagiliran. Agad siyang nanghina at lupaypay na bumagsak. Para siyang isang sako na binitbit ng isa pang lalaki at pinasok sa isang makipot na daan. Narinig niya ang pag-ingit ng tila isang bakal na pinto, ipinasok siya doon at basta na lang na binitawan. Pinilit niyang iminulat ang mga mata at tiningnan ang lalaking may pilat sa mga mata nito. "Welcome to hell, X. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD