EVERYDAY went smoothly. Naging maayos naman ang pagstay ni Jera sa safe house at ang ilang araw na lumipas ay naging magaan ang pakiramdam ni Torichiro. Sa ilang araw din na 'yun ay hindi niya nakikita si Leon kahit ang anino nito. Nang minsang tanungin niya si Celeb, sinabi nito na sa labas, sa may kubo ito nanunuluyan kasama ang mga bagong epsilon na binigay ni Karrim. Tuwing gabi raw nagroronda ito sa buong paligid ng safe house. Mayroon bahagi sa pagkatao niya na namimiss niya ito hindi niya alam kung bakit. At ang lahat ng 'yun ay sinasabi niya kay Jera. Sinasabi lang nito sa kanya na kalimutan niya ito at tuluyang iwasan. Sa ilang araw din na nakasama niya si Jera ay nag-iiba ang pakikitungo nito sa kanya. Sweet ito hindi lang sa mga bata kundi pati sa kanya. Ramdam niya at alam n