NAPAANGAT ng tingin si Tori sa tasa ng kape na iniabot sa kanya ni Leon. Kasalukuyan kasi siyang nasa labas ng bahay at nakaupo sa tapat ng bonfire. Tahimik na ang gabi na wala kang ibang maririnig kundi huni ng mga kuliglig. "Salamat." aniya na tinanggap 'yun. Naupo ito sa tabi niya na ikinahigit ng kanyang hininga. Kakaiba talaga ang ipekto sa kanya ng prisensya ni Leon. "Tulog na sila." maya'y sabi nito. Ito kasi ang nagpatulog sa tatlo dahil ayaw bumitaw ng mga ito rito. Ang mga pag-iisip niya tuloy ay nadadagdagan. Habang tumatagal nagiging malapit ang mga bata rito at 'yun ang ikinakatakot niya. Paano kung dumating ang araw na aalis na rin ito at iiwan sila? Ayaw niyang umasa ang mga ito sa wala. Nilingon niya ito. "Pasensya ka na, naabala ka pa." May ngiti sa mga labi ni