NAALIMPUNGATAN si Tori nang may maunigan siyang boses. Tinatawag nito ang pangalan niya. Boses iyon ni Lancelot. "Torichiro..." Napangiti siya at marahan na umalis sa ibabaw ng kama. Lumabas siya at sinundan kung saan nanggagaling ang boses. Dinala siya ng mga paa sa sala, ngunit wala siyang Lance na nakita doon. "Torichiro..." muling tawag sa kanya. Kunot ang noong muli niyang inihakbang ang mga paa at may pagtataka sa mukha nang tumingin siya sa malaking television ay nandoon ang mukha ni Lancelot habang matamis itong naka ngiti. "Hi, love! Good morning!" Bati nito na parang eksakto ang pagdating niya. "When you watch this it means I'm gone." Gone? Agad na nabaling ang tingin niya sa back door nang may marinig siyang tunog ng isang barko. Nanlalaki ang mga matang tumakbo siya pa