Karrim MULA sa papeles na sinusuri ni Karrim ay umangat ang tingin niya mula sa bumukas na pinto at iniluwa niyon ang hindi niya inaasahang bisita. Si Aaric at Maximus. Malawak na ngumiti si Aaric sa kanya habang akbay-akbay ito ni Maximus. "Suprise!" masiglang bati nito sa kanya. Tumikhim siya. "H-hey... hey!" Naningkit ang mga mata ni Maximus. "It seems like you're not happy to see us." "N-no! Ofcourse not! Hindi ko lang inaasahan ang pagdating niyo. Sit down." mabilis niyang itinago sa drawer ang papeles patungkol sa totoong pagkatao ni Mask o ni Lancelot. He don't want to hide the truth from his best of friends, but being a leader of Iron Wolf he needs to a boss. Kailangan niyang magtiwala kay Mask, dahil alam niyang higit na mapapaganda ang org. kung si Mask ang magiging pangal