Chapter ninety two LUCAS POV’S Nakokonsensya na ako, hindi ko na mapigilan ang sarili kong emosyon kung minsan. Ayoko ng ganitong pakiramdam, yung nakakasakit ako ng damdamin ng ibang tao, lalo ng mga kakilala ko. Alin ba ang mas masakit? Ang ipagpatuloy ko ang kasal kahit na labag na sa loob ko? O ang sabihin sa kanila na ayaw ko na magpakasal? Nalilito na ako, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Napag iinitan ko na ng ulo si Clara minsan, nawawala na ang respeto ko sa kanya minsan hindi ko alam kung ako ba ang nagbago o siya? Naiirita ako minsan sa ginagawa niya sa akin, maski ang relasyon naming dalawa nagbago na, hindi na kami katulad ng dati. “ Kaibigan, bakit mag isa ka dito?” lumapit sa akin si Kaleb habang nakaupo ako sa ilalim ng puno ng mangga. Pinagmamasdan ko ang m