Chapter fifty five MAXINE’S POV’S Wala kaming trabaho ni Lucas pareho at ang mga kasama namin dito sa bahay ay umalis, si Kaleb pumuntang palengke habang si Dylan naman nasa agency niya. “ Gusto mo bang mamasyal Maxine?” kanina ko pa hinihintay na ayain niya ako. “ Oo naman.” Agad kong sagot. “ Maghahanda lang ako.” Nagmadali akong maligo at magbihi. Syempre nag ayos rin ako ng mukha, naglagay ako ng make up at pati buhok ko plinatsa ko, sobra ka na Maxine masyado mong ginagalingan. Ngayon lang ako magsusuot ng dress at heels, kasalanan ito ni Lucas. Pagbaba ko nakabihis na rin siya, ang galing niya pomorma yung mga usong damit ngayon ay bagay na bagay niya. Pareho kaming hindi makapagsalita dahil pareho kaming naghanda ng husto. “ Ang ganda mo.” Matutunaw na ako Lucas malapit