Chapter thirty one DYLAN’S POV’S Nakakapagtaka talaga si Maxine, yung Lucas naman hindi ko alam kung saang lupalop nanggaling yun o kung saan napulot ni Maxine, kakaiba siya yun ang nararamdaman ko. Nasabi ko na lahat kay Maxine, ang sinasabi niyang boyfriend niya ay hinahayaan lang siyang pumunta sa ex niya, imposible talaga na mahal ni Maxine yung Lucas na yun. Sino ka bang Lucas ka, alam kong hindi ka kamag anak o boyfriend ni Maxine pero bakit nasa iisang bahay kayo? Ang dami kong tanong, isa pa to sa nagpapasakit ng ulo ko kaya ako nilagnat dahil sa stress. Medyo mainit na lang ako, magaling kase mag alaga si Maxine, noon pa lang maalaga na siya mabuti na lang alam ni Jingle kung sino ang tatawagin para alagaan ako. Tutuklasin ko pa kung sino si Lucas kaya kailangan ko gumaling