Chapter sixty seven LUCAS POV’S Ang dami kong gustong sabihin kay Maxine ngayon kaso nga lang naaalala ko ang sinabi sa akin ni Kaleb kaya tinitiis kong huwag magsalita. Magpakipot. Magpakipot. Saan kaya nila natutunan ang salitang yan? hays si Kaleb talaga. Nakahinto na ang sasakyan at hindi ko alam kung pagbubuksan ko ba ng pinto si Maxine o hindi, nakatingin siya sa akin, iniiwasan ko naman na mapalingon sa kanya. Magpakipot. Magpakipot. Magpakipot. Lumabas ako at naglakad palayo, ano bang klaseng pagtuturo ang ginawa sa akin ni Kaleb bakit kusang sumusunod ang sarili ko sa sinabi niya? “ Lucas hintay!” Huwag kang lilingon Lucas maglakad ka na lang, baka iwan niya ako kapag hindi ako nagpakipot sa kanya. “ May problema ba?” hinawakan niya ang kamay ko. Patawarin mo ko Maxi