Chapter twenty six MAXINE’S POV’S Maaga akong nagising dahil magdedeliver ako ng diyaryo ngayon pati na rin ng ibang magazine sa kakilala ko. May dala dala akong kape pampainit ng tiyan ko. “ On time ka talaga Maxine.” “ Nakakahiya naman kase kung yung trabaho ang paghihintayin ko.” Madaling araw palang ay gising na ako, maaga dapat idedeliver ang mga diyaryo at magazine kaya inagahan kong gumising. Yung dalawang kasama ko sa bahay tulog pa at binilin ko sila kagabi na huwag na muna lalabas. Inaayos na naming ng kakilala ko yung mga dyaryo at magazine sa bike para maideliver ko na, marami kaming magdedeliver, hindi ko naman kayang deliveran ang buong lugar naming gamit ang bike. Habang nagsasalansan kami ng mga gagamitin ay may napansin ako sa front page ng isang magazine na idede