Chapter forty five LUCAS POV’S Iba ang kaba sa aking dibdib ngayon, napakaraming tao at kakaiba ang lugar na aming pinuntahan ngayon. “ Kinakabahan ka?” tanong sa akin ni madam A. “ Natural yan lalo at una mong lead role, ikaw bibida kaya galingan mo Lucas.” Naalala ko noong una akong umiksena sa ganitong trabaho ay kasama ko si Maxine, kaso ngayon wala siya kinakabahan ako. Si Kaleb ay narito rin, ganun din si Joy. Napakaraming tao dito. “ Huwag kang mag alala sa role mo, action ito wala kang leading lady kaya galingan mo.” Dagdag ni madam A. Nasa akin ang atensyon ng lahat mamaya kaya kinakabahan ako, ayoko ng ganung pakiramdam lalo pa at sanay ako sa amin na kakilala ko lahat ng nakapaligid sa akin. Nag aayos na sila ng buong lugar ng makarating kami. Ipinakilala ako ni madam