Chapter one hundred five LUCAS POV’S Lahat ng nangyari ay plano namin ni Clara, naawa ako sa kanya kaya ko siya tinulungan, sa totoo lang hindi naman ako nasaktan sa nangyari, nagalit lang ako sa kanyang ina dahil siya ang pasimuno ng lahat ng ito. [FLASHBACK] Hindi ko na talaga kayang panindigan ang pagpapakasal kay Clara, kailangan kong kausapin ang mapapangasawa ko. Hinanap ko siya ngunit nakita kong may kausap siyang ibang lalake. Ngayon ko lamang nakita itong lalake na kausap niya, lahat ng kaibigan ni Clara ay kakilala ko ngunit ito? Hindi ko siya kilala. “ Kakausapin ko si ina, huwag mo kong iwan Juancho.” “ Binabantaan na ako ng iyong ama Clara, hindi ko na alam ang gagawin ko.” “ Clara.” Tinawag ko siya kaya napalingon silang dalawa sa akin, hindi na nila naituloy ang pin