Chapter fifty eight JINGLE’S POV’S Nakakapanibago yung alaga ko napakasungit ngayon at ang init ng ulo, para siyang buhay na dragon na umuusok ang ilong. Mas masahol pa ang init ng ulo niya sa director. At mas malala pa siya sa babaeng may dalaw. “ Hoy Jingle bakit ang bagal mo? Nasaan na make up artist ko? Tawagin mo na!” Lahat kami dito nakatulala lang sa kanya dahil kanina pa siya ganyan pagkadating niya, kung ano anong inuutos niya tapos kapag hindi agad nagawa ay sisigawan at pagagalitan niya. Yung issue sa kanila ni Miraya sariwa pa kaya siguro siya ganyan? O baka may iba pang dahilan? May gagawin silang music video ngayon ni Miraya, nakaline up na yun noon pa bago yung issue hindi naman pwedeng icancel yun. Nandito na rin si Miraya at lumapit agad siya kay Dylan. “ Masaya