"Sir Reynold!" bulalas ng taong nanutok sa binata ng mapagsino ito. Naturingan siyang shadow pero hindi naman kaya ng mata niya na kilalanin ang tao sa dilim. Kinailangan pa niyang lumapit at tinutukan ito ng baril. Kaso bago pa siya makahingi ng paumanhin dahil sa nagawa ay naunahan na siya nito. "Kilala mo ako? Sino ka?" takang tanong ng binata. Tama, inaamin niyang natakot siya nang may nanutok sa kaniya ng baril pero labis din ang pasasalamat niya nang ibinaba nito. Kaso labis-labis ang kaniyang pagtataka kung bakit siya nito kilala. "I'm sorry, Sir, kung natutukan kita ng baril. Yes, kilala kita dahil tauhan ako ni Ma'am Jannelle. I'm, Miss Adel's shadow." Sinabayan pa nito ng pagtango ang pananalita. Sa isipan ni Reynold Wayne ay kailan pa nagkaroon ng Shadow ang mahal niya? S