"Umaga na ba, Mahal?" "Hindi pa, my little one. Pero mukhang mag-umaga na batay na rin sa liwanag ng buwan. Kaya't good morning na rin." "Ngayong nangyari na ang lahat sa atin ay---" 'Sana huwag kang magbago sa akin. Naisuko ko na ang aking pagkatao sa iyo dulot ng aking pagmamahal.' Nais sanang sabihin ni Adel subalit hindi na niya nagawang tapusin dahil idinantay ng kasintahan ang dalawang daliri sa labi niya. "Kung ang nais mong sabihin ay magbabago ako sa iyo dahil nangyari na ang dapat sa kasal lang natin mangyari ay kalimutan mo na iyan, my little one. Dahil kahit ano man ang mangyari ay hindi ko gagawin iyan. Mahal na mahal kita, Adel Dela Peña. Sisiguraduhin kong apelyido ko na ang susunod pagdating ng tamang oras. But for now, can we have it again? Nakaka-addict ka kasi," mal