"May problema ka ba, girl? Aba'y ilang araw na kitang napansing wala sa sarili ah. Is there's something wrong?" "Wala, gurl. Hindi ko lang maunawaan ang damdamin kong wari'y laging kinakabahan. Mukhang nasubrahan ko ang pag-inom ng kape." Kaso sa tinuran niyang iyon ay pabiro siyang binatukan ni Star. "Aba'y hoy, Adel Dela Peña! Umayos-ayos ka nga riyan! Susme, inaalala na nga kita kaso nakuha mo pa ang magbiro! Ano ba ang problema mo at mukhang dala-dala mo na naman ang mundo?" Tikwas ang daliri dulot nang pagbatok sa kaniya at taas-kilay pa itong humarap sa kaniya. Tuwang-tuwa siya kapag ganoon ang hitsura nito ngunit ayaw niya itong ma-offend. Kaya't umayos siya at inakay ito paupo sa kaniyang tabi. "I'm sorry if I offended you, Star. Ngunit iyon ang totoo. Wala akong problema. At