"You're back, Attorney Abrasado. So, what's for now?" Salubong na tanong ng hepe sa kaniya. Aminado siyang napalalim ang kaniyang pag-iisip dulot ng kamalasan sa araw na iyon. Ngunit dahil sa boses ng hepe ay agad din siyang bumalik sa reyalidad. "May isa akong salita, Hepe. Kagaya nang sinabi ko kaninang umaga ay palayain n'yo na siya," tugon niya. "Pero hindi pa tapos ang---" Kaso hindi na iyon pinatapos ng dalaga. Alam naman niya ang idudugtong nito. Kaya't kahit kabastusan ang labas ay hindi na niya hinayaang tapusin nito ang pananalita. "Pero hindi pa tapos ang imbistigasyon, Attorney Abrasado. Iyan ang nais mong sabihin, hindi ba, Hepe? Hepe, wala akong panahong makipaglokohan sa iyo. Mahalaga ang bawat oras sa akin. That's why you should go and bring Adel Dela Peña here." Hind