"N-nasaan tayo ngayon? Bakit tayo nandito?" Sa ilang taon nilang hindi pagkikita ay nagulat siya sa paraan nang pananalita at kilos nito. "Manahimik ka! Ibibigay ko ang ginagawa nila sa iyo!" "Teka lang, Reynold Wayne. Ano ba ang problema? At saka sino ba ang tinutukoy mong sila?" Pero hindi ito sumagot bagkos ay pabalibag siyang ipinasok sa isang kuwarto. 'Mukhang hindi ko na siya kilala. Hindi na siya ang pasensiyusong si Reynold Wayne na kahit ano ang sinasabi ko ay ipinapaliwanag ng maayos. Miss na miss ko pa naman siya,' aniya sa kaniyang isipan. Dahil talagang hindi iyon gawain ng 'asawa'. Nais niya itong yakapin ngunit sadyang hindi niya maunawain ang ikinikilos nito. SAMANTALANG pagdating pa lamang sa isang silid ay agad niya itong binigyan ng mapagparusang halik habang naka