"Hay sa wakas natapos din. Ang mga taong ito kasi ay kung ano-ano ang naiisip. Maari namang nag-party na lang dito sa bahay," parang wala sa loob na sambit ni Adel saka inumpisahang tinanggal ang mga palamuti sa katawan including from her hair. "Grabe ka naman, asawa ko. It's our first night. Kaya't bigyan mo ako ng trabaho riyan." Pang-aasar ni Reynold Wayne. Well, masaya lang naman siya dahil bukod sa nag-renew of vows na silang mag-asawa ay mag-aasawa na rin ang mga anak nila. "Alam mo mahal kong asawa kaysa magdrama ka riyan ay mauna ka na kayang maligo. Aba'y halos madaling-araw na ngunit gising na gising pa tayong lahat. Kasalanan ng mga anak mo ito." Imbes na pakinggan ang asawa ay iyon ang nasabi niya. KASO hindi iyon pinakinggan ni Reynold Wayne bagkus lumapit siya rito saka n