"Ang mga taong iyon ay ibinuyo tayong magtravel pero hindi naman sila. Mukhang may binabalak sila kaya't ayaw nilang nandoon tayo," saad ni Reynold Wayne habang sila nasa balkonahe ng isang luxurious hotel kung saan sila naka-check in sa naturang bansa. "Mahal ko, huwag ka ng magtaka sa mga anak natin. Ang pagkaabalahan mo ngayon ay kung kailan sila mag-aasawa. Aba'y huwag mong sabihing kapag hindi na natin kayang alagaan ang magiging anak nila," tugon ng asawa. "Iyon na nga, asawa ko. Parang kahapon lang noong nangyari ang aksidente iyon sa buhay natin pero ngayon ay isa ng professional coach ng martial arts sa ating bansa si Reign at isa namang international fashion designer si Jewel. Iyon nga lang ay pinanindigan nilang collect and collect then select the best. Kaso hanggang ngayon ay