"Po? Ano po ang ibig mong sabihin, Nana? Akala ko po ba ay dito na tayong lahat?" Bahagyang inalog-alog ni Adel ang ulo dahil talagang hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa Ginang na naging kaagapay ilang taon na ang nakalipas. "Supposedly, yes. Pero nitong mga nakaraang buwan ay lagi kong naaalala ang ating bansa. Hindi man natin alam kung ano ang mga sumusunod na pangyayari at kaganapan ay baka simbolo na ito upang bumalik ako sa bansang sinilangan. Kaya nga ako nakiusap kay Jubert na ilakad ang papeles ko pauwi ng bansa." "Kung ganoon ay aayusin ko rin ang sa aming mag-iina. Upang sabay-sabay na tayong lahat, Nana." Kaso mas nadagdagan ang kaniyang pagtataka dahil umiling-iling ito. Kaya lang naman siya napadpad sa bansang America dahil dito at ang anak na si Jubert. "No, Hija