"Ano kamo, Hijo? Aba'y nababaliw ka na ba? Alam mo bang maaring maging dahilan iyon nang pagkatanggal ko sa immigration ng wala sa oras? Susme, ilang taon na lang at magbibitiw ako by retirement pero mukhang gusto ninyong mapaaga ah." Tinaasan ni Rennie Grace ang pamangkin. Aba'y mukhang iba ang epekto ng pagpakilala nito sa kaniya ng mamanugangin. "Mama, pumayag ka na. Kapag mangaliwa ang mga iyan aba'y hindi na dadalo sa kasal namin ni Janine. Ikaw din ang may kasalanan." Pangungumbinsi pa ng panganay niyang anak. Kaya naman ay napatingin siya rito. Di yata't kinumbinsi na ito ng dalawa niyang pamangkin. Isa na ito sa nangungumbinsi sa kaniya. "Ah! L!nt!k kayong mga bata. Aba'y ako ang matutuyuan ng dugo dahil sa pinaggagawa n'yo. Hala, oo na. Basta siguraduhin lang ninyong walang sa