"Ano ba ang nangyari, anak? Bakit ka tumitili?" agad na tanong ni Reynold Wayne sa anak na lalaki nang nakalapit sila rito. "Si Mommy, Papa! Si Mommy tinangay ng Mama!" Patuloy pa nito sa pagtili. Dahil sa narinig ay biglang umakyat sa kaniyang ulo. Di yata't may nakaligtas sa kanilang paningin. "Mommy! Daddy! Kayo na muna ang bahala sa mga bata!" "Pinsan, itawag mo sa main gate na walang maaring lumabas at papasok sa buong subdivision. Ako na ang bahala sa dumukot kay Adel!" ILANG buwan na siyang naghihirap dulot nang pagkaantala ng kasal nilang dalawa. Nagpabalik-balik pa ito sa pagamutan dulot nang pagkaaksidente sa araw mismo ng hindi natuloy na kasal. Nawala sa katinuan kaya't nakikipaglaro sa mga anak na wari'y kaedad. At ngayon ay muli na namang nalagay sa panganib. "Mg hayop!