Ilang buwan ang naka-lipas at kasalukuyan naming inaayos ang wedding namin ni Thaddeus. Buhat buhat niya si Chase habang nagc-cake testing. Hawak ko naman sa kabilang kamay si Snow. "You want to eat cake, baby?" tanong ko kay Snow. Tumango ito kaya kumuha ako ng platito at nag-hiwa ng cake bago iyon doon nilagay. Ibinigay ko iyon sa kaniya na agad naman niyang kinuha at umupo doon sa upuan. "We will get this one," ani Thaddeus. "Make it 2 and each one have a 15 layer, please," he said seriously. Tumango naman ang babae na naga-assist sa amin at may sinulat sa notepad niya, "Noted po, Sir." Umalis na din agad kami doon at pinuntahan ang shop kung saan nagpagawa ng wedding invitation si Thaddeus. Pumasok kami doon at namangha ako sa loob. Madaming papel at iba ibang pang-design. "S