"No, Snow. You stay there." Naka-simangot itong umupo sa aking harap. Pinanlakihan ko siya ng mata, kasi itong batang 'to ang kulit kulit palibhasa hindi na naman nasunod ang gusto. Wala ang Daddy nila dito, nasa kompanya. Buhat buhat ko si Chase at na-dede ito sa akin. Bumuntong hininga ako at hinarap ang naka-simangot na si Snow, "Anak, hindi pwede. Baka pagalitan tayo ng Daddy mo," mahinahon kong sinabi. Sumimangot siya at umirap, "Wala naman si Daddy ah! Tsaka isang ice cream lang naman!" aniya at umirap na naman. Kapag talaga hindi nasusunod ang gusto ng isang 'to lumalabas ang pagiging maldita. Suminghap ako, "Don't roll your eyes on me, Snow. You want me to get mad at you?" I said seriously. Nag-make face siya at umirap na naman sa aki. Tumayo ako at hinarap siya, "Fine, do wh