MILES POV. EVERY weekend ay nasa Hacienda Villa Samonte, si Lyza Jhean. Doon niya gustong mag practice ng martial arts, archer at paghawak ng kahit anong klase ng baril. Nang malaman ng aming anak na magaling sa Archer si Maggie, ang asawa ni Dark Montemayor, na pinsan ni Brix. At nang makita nito ang lugar ay mas ginustong doon magtungo basta wala siyang klase. Pangarap ng anak na maging magaling na Lawyer, kaya Political science ang kinuhang kurso. Upang pagka-graduate ay mag proceed siya ng Law. Ganun din si Mazie Mitz, plano rin nito na mag proceed ng Law. Kaya naman ay heto at nagpasya na sumama na rin kay Lyza Jhean. “Anak, bakit ayaw mong magpahatid sa chopper. Mas gusto mo ay by car , hindi ka ba napapagod ng ganun kahabang biyahe?” “Mabilis lang naman po ang biyahe. Malapit la