MILES POV. INIWAN ko muna si Gabbi at Mazie Mitz. Sinundan ko si Brix, sa library, alam kong iniisip niya na galit ako sa kanya. Hindi ko lang talaga siya pinapansin dahil gusto kong makapag-isip-isip siya tungkol sa sitwasyon ng dalawa anak namin. Pero hindi ibig sabihin na galit ako sa kanya, tapos na kami sa mga ganun sinaryo. Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa ay mild na lang ang ganitong problema. Kumatok ako ng isang beses at narinig kong pinapasok niya ako. Kaya pinihit ko ang door knob at tumuloy na sa loob. Inabutan ko siyang busy sa harap ng laptop. Kaya hindi ko muna siya iniisturbo. Naupo ako sa naroon sofa at sumandal. Tahimik lang akong nakamasid hanggang sumulyap siya sa kinaroroonan ko. Nakita kong tumayo siya at naglakad palapit sa aking tabi. Naupo doon at hinawakan a