BRIX PO. KAHIT nakikita kong masaya si Macy, nararamdaman kong matindi ang kanyang pag-alaala. Kanina habang kumakain ang lahat ay damang dama ko ang tension. Alam kong meron nangyayari sa paligid pero ayaw nilang ipaalam sa akin. Kaya nang makita kong nakaupo si Alias, sa isang bench. Malaki ang aking hakbang na lumapit sa kanya upang tanungin kung meron siyang alam. “Ano ba talaga ang nangyayari, Alias?” “Kanina habang tulog kayong mag-anak, may umatake sa dalampasigan. Matindi ang naging laban sa pagitan ng magkakaibigan at grupong yon.” “Sino sa palagay mo ang mga taong nakapasok dito sa private resorts?” “Sa palagay ko ay utos iyon mula sa iyong asawa, Sir GB.” Ang sinabing iyon ni Alias, ay hindi ko basta mapaniwalaan. Sapagkat nakakulong sa basement si Laarni. Paanong makakata